TIYAK na papasok sa top five ng WBA rankings si Jessie Espinas matapos niyang maagaw ang Philippine light flyweight title sa dating kampeong si Lester Abutan sa kanilang 12-round na sagupaan nitong Mayo 22 sa Binan City, Laguna.

Kasalukuyang nakalista si Espinas na No. 6 contender sa bagong WBA light flyweight champion na si Hekkie Budler ng South Africa at inaasahang aangat siya matapos kumbinsidong talunin sa 12-round unanimous decision si Abutan.

Dating hawak ni Espinas ang WBO Oriental light flyweight title na natamo niya nang patulugin si Phai Pharob noong 2016 sa Watt Kokkuod, Surin, Thailand ngunit hindi niya ito naidepensa kaya binawi sa kanya ng WBO.

Sa kanyang huling laban bago makaengkuwentro si Abutan, tinalo ni Espinas sa puntos si Elias Joaquino sa loob ng 10 round kaya napasakamay ang Minproba junior flyweight belt.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Tubong Oroquieta City, Misamis Occidental ang 25-anyos na si Espinas na umaasang mabibigyan ng pagkakataong hamunin si Budler na kasalukuyan ring kampeon ng IBF sa light flyweight division.

Napaganda ni Espinas kanyang rekord sa 19 panalo, 2 talo na may 11 pagwawagi sa knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Abutan na 12-9-3 na may 6 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña