CAMP MACABULOS, Tarlac City - Arestado ng pulisya ang isang lalaking Canadian makaraang magwala sa loob ng sinakyan niyang tricycle at maging marahas sa dalawang pulis sa loob ng pinagdalhan sa kanyang presinto sa Tarlac City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat kay Tarlac Police Provincial Office director Senior Supt. Ritchie Medardo Posadas, dakong 2:30 ng umaga nang sumakay ang lasing umanong si Adam Just, nasa hustong gulang, ng Barangay San Vicente, sa tricycle na minamaneho ni Xandrel Aganon, 20, ng Bgy. Armenia, para magpahatid sa Bgy. San Rafael sa Tarlac City.

Pagsapit sa lugar ay nagalit bigla si Just, inutusan si Aganon na dalhin siya sa Bgy. San Roque, subalit habang bumibiyahe ay pinagsisipa umano ng suspek ang windshield ng tricycle at itinapon ang Samsung cell phone ni Aganon, kaya idiniretso na ng huli sa Police Community Precinct-8 ang pasahero.

Gayunman, habang iniimbestigahan nina SPO1 Eduardo Hipolito at PO2 Sonny Clemente si Just ay nagmura umano ito, itinulak si Hipolito, at winarat ang uniporme ni Clemente.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

-Leandro Alborote