ANG anak ni Sylvia Sanchez na si Ria Atayde ang tumanggap ng award na Pinakapasadong Aktres sa Teleserye (Hanggang Saan) dahil wala ang kanyang ina sa bansa.

RIA copy

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay pabalik pa lang ng Pilipinas sina Sylvia, Matt Evans at Arjo Atayde galing sa launching ng Beautederm Clinic sa Hong Kong kasama ang may-ari na si Ms. Rei Ramos Anicoche-Tan.

Samantala, biniro namin si Ria na bagay sa kanya ang karakter na malditang sirena sa umereng Wansapanataym Presents: Ohfishcially na umere nitong nakaraang Linggo.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

Kasama ni Ria si Sammy Rimando (girlfriend ni Arjo) bilang prinsesang sirena na ang adbokasiya ay linisin ang kapaligiran ng dagat dahil sobrang dumi na kagagawan ng taga-lupa.

Kasama ni Sammy ang mga kaibigang sirena at nagkatawang-tao para maglinis ng mga basurang nasa tabing dagat.

Ang hari ng mga siyokoy na si Jeric Raval at ama ni Sammy ay sinasabihan si Ria na tumulong din maglinis ng mga kalat pero ayaw ng huli kaya napagsabihan.

Sumakto naman habang nasa lupa si Ria ay tinamaan siya ng boteng plastic na ibinato naman ni Elisse Joson dala ng galit sa grupong Boyband PH kaya nag-away ang dalawa at nagkasakitan.

Bago nagkahiwalay sina Ria at Elisse ay masama ang tingin ng una sa huli na ito kaya ang dahilan kaya naging sirena rin ang bida ng Ohfishcially?

Anyway, pasaway na anak si Elisse ni Janice de Belen na siya ang gustong laging bida na pinagsisihan naman ni Joao Constancia ng Boyband PH na magkagusto siya sa dalaga dahil nilait-lait siya noong mataba pa siya at hindi pa sikat at grupo nila kasama sina Niel Murillo, Tristan Ramirez, Russell Reyes at Ford Valencia.

Nangako sa sa bawat isa ang grupo ni Joao na kapag sumikat na sila at nag-iba na ang mga itsura ay hindi nila papansinin si Elisse na nangyari naman nang mag-abot sila sa resto-club na pag-aari ng huli kung saan sila may regular gig.

Hindi pa rin maganda ang pakitungo ni Elisse kina Joao kaya napilitang lisanin ng grupo ang resto-bar na ikinagalit naman ng nanay ng dalaga dahil nawalan sila ng malaking kita.

Sino kaya ang stylist ni Elisse, hindi kasi magaganda ang mga damit na suot niya sa Wansapanataym, hindi siya mukhang anak-mayaman.