T i n a n g g a p kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga donasyong body camera para sa mga traffic enforcer, na makatutulong sa pagsusulong ng transparency sa panghuhuli ng mga motoristang lumalabag sa batas trapiko.
Pinasalamatan ni MMDA Chairman Danilo Lim si Grab Philippines head Brian Cu sa donasyon nitong 100 body camera sa isinagawang flag-raising ceremony sa ahensiya kahapon.
“Ito ‘yung mga gamit na kailangan namin. This will go a very long way in terms of making a difference sa pagganap ng tungkulin ng ating mga traffic enforcers. Napakahalaga nito. Maraming, maraming salamat.
Patuloy tayong magtulungan para sa ikabubuti ng Metro Manila,” pahayag ni Lim sa turn-over ceremony.
Kasabay nito, iginiit ng isang pang opisyal ng MMDA na hindi mapoprotektahan ng donasyon ang mga pasaway na Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver sa ilalim ng Grab sakaling lumabag ang mga ito sa batas trapiko dahil lamang sa donasyon ng kumpanya sa ahensiya.
Ang body cameras ay ibibigay sa mga traffic enforcer sa EDSA at sa checkpoint areas sa buong Metro Manila, pagkatapos ng kanilang training.
-Bella Gamotea