SINUBUKAN pala ng fans ng BTS (K-pop group) na talunin ang hashtag na #ALDUBTamangPanahon bilang most used hashtag sa Twitter sa loob ng 24 hours.

MAINE AT ALDEN

Naglabas ang GuinessWorldRecords @GWR ng pahayag na, “BTS fans, after investigation we’re sorry to announce that the attempt at ‘Most Used’ hashtag on @Twitter in 24 hours was not successful on this occasion. Inc retweets and quote tweets. The total has been cal-culated at 21.9 million uses of #VoteBTSBBMMAs.”

Kaya record holder pa rin ang hashtag na #ALDUBTamangPanahon, ang hashtag na ginamit ng Eat Bulaga sa hindi malilimutang paghtatanghal ng show sa Philippine Arena noong October 25, 2015. Noon nagkita for the first time sina Alden Richards at Maine Mendoza bilang bahagi ng kalyeserye ng sinubaybayan ng televiewers.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Nakapagtala ito ng 40,706,392 uses mula October 24, 2015 at 12:01 AM to October 25, 12:00 MN or sa loob ng isang araw.

Nagpasalamat ang AlDub Nation (ADN) sa recognition ng Guiness sa record na sila mismo ang nagtala at sa social media para sa tambalan nina Alden at Maine.

-NORA CALDERON