OAKLAND, California (AP) — Mistulang tinamaan ng lintik ang katauhan ng Houston Rockets nang pasabugin at pulbusin ng Golden State Warriors.

CURRY: 18 puntos sa third period. AP

CURRY: 18 puntos sa third period. (AP)

Nanatiling steady ang opensa ni Kevin Durant, habang nagbalik ang ‘shooting tiouch’ ni Stephen Curry na tila nausog sa kabiguan sa Game 2 tungo sa panalo na nagbigay sa Warriors ng 2-1 bentahe sa Western Conference finals.

Nagsalansan si Curry ng 35 puntos, kabilang ang 18 sa third period at may limang 3-pointers para sandigan ang Warriors at ang nagbubunying home crowd sa Oracle Arena.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nag-ambag si Kevin Durant ng 25 puntos, anim na rebounds at anim na assists, habang tumipa si Draymond Green ng 17 rebounds, 10 puntos at anim na assist. Nalagpasan ng Warriors ang NBA-record 16th consecutive home postseason game na naitala ng Chicago Bulls mula April 27, 1990-May 21, 1991.

Nalimitahan si Harden sa 20 puntos at siyam na assists, habang binalikat ni Chris Paul sa iskor na 13, puntos, at 10 rebounds.

Gaganapin ang Game Four sa Martes sa Oracle Arena.