Kalunos-lunos ang pagkamatay ng isang ginang nang 10 beses tagain ng umano’y nabaliw niyang mister, at tinaga rin nito ang kanilang anak sa Nueva Vizcaya, nitong Huwebes ng madaling araw.

Sa panayam, kinilala ni SPO3 Henry Valenzuela, may hawak ng kaso, ang napatay na si Theresita Paculla, 55, child development worker. Sugatan naman si Descell Faith Paculla, 13, Grade 8, kapwa taga-Sitio Bulan, Barangay Sawmill, Villaverde, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si Romulo Paculla, 55, matadero, na pinaniniwalaang sinumpong ng sakit sa pag-iisip nang isagawa ang krimen, dakong 4:30 ng madaling araw.

Matapos pagtatagain ang kanyang misis, pinagbalingan naman ng suspek ang anak at tinaga sa ulo at balikat.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tinangkang payapain ng mga pulis ang suspek ngunit hindi nakinig kaya binaril nila ito.

Dead on the spot ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Narekober sa pinangyarihan ang dalawang itak, na may bahid pa ng dugo; at mga basyo ng bala ng M16 rifle; at tatlong bote ng alak.

-Liezle Basa Iñigo