PALAISIPAN sa lahat kung bakit in-unfollow ni Cristine Reyes ang asawang si Ali Khatibi sa Instagram at lalo nitong pinalakas ang umugong na tsimis na naghiwalay na ang mag-asawa.

CRISTINE AT ALI copy

Pero si Ali, hindi nagbago ng status niya sa pag-follow kay Cristine.

Nitong Huwebes, pinapa-follow na ulit ni AA (palayaw ni Cristine) si Ali na ipinapalagay ng followers nila na palatandaan ng pagkakaayos nila ulit.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

“Actually on and off sina AA at Ali,” kuwento sa amin ng taong malapit sa mag-asawa. ”Last December pa sila nagkalabuan, tina-try naman nila, pero laging nagsasalpukan kaya nag-lie low muna sila. Umalis si Ali sa bahay nila para pareho silang magpahinga muna ni Cristine. Normal lang siguro na i-unfollow ni Cristine si Ali kasi hindi sila okay, but since nag-follow na ulit, eh, di okay na sila, ha-ha-ha. Pero alam ko marami silang inaayos.”

May mga katotong nanghuhula sa isyu na maaaring pinag-aawayan nina Cristine at Ali, na maaaring dahil daw sa pera lalo na’t walang permanenteng trabaho ang aktor cum mixed martial arts instructor. Gayundin naman ang aktres, at hindi biro ang gastusin nila sa bahay lalo’t may anak sila na kailangan nilang buhayin.

Bagamat masinop si Cristine na nakapag-ipon sa mga kinita noong kaliwa’t kanan pa ang projects niya, hindi naman siyempre iyon tatagal kung pareho silang walang stable job. May business pa kaya si AA na puwede niyang pagkunan ng daily expenses nila?

Wish namin ay magkaayos na silang mag-asawa dahil hindi maganda na lumalaki ang anak nilang hindi nakikitang magkasama ang mga magulang niya.

–Reggee Bonoan