SI Jun Veneracion ay si “Jun V” o “Vene” sa mga kasamahan niyang broadcast journalists sa GMA News & Public Affairs na pinaglilingkuran na niya since 2003, after niyang magtrabaho sa IBC-13.

jun v

Ayon kay Jun, kahit maliit ang network nila noon ay nabigyan siya ng pagkakataon na matuto at isa nga rito nang mag-live coverage siya noong panahon ni Chief of Staff Angelo Reyes.

“ S i y e m p r e nakaramdam din ako ng yabang sa ginawa ko na tumanggap ako ng maraming text messages na pumupuri sa akin,” natatawang wika ni Jun. “Pero nang malipat ako rito, mas maraming opportunities na dumating sa akin, kasabay na rin ang makaramdam ka ng takot kapag may mga coverages ako dahil na-assign ako sa Defense and Military beat na naipadala ako sa mga war-torn places throughout the country.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Pero hindi ko rin malilimutan iyong one month kaming nag-cover sa Afghanistan nang ma-abduct ang isang Filipino UN worker. Doon ko rin napatunayan na maasahan mo ang mga kapwa Pilipino natin, na kahit saan ka yata makarating kahit sa mga lugar na iyon, may mga makikita kang Pinoy na tutulong sa iyo.

“Pero ang hindi ko talaga malilimutan ay nang mag-cover ako at ang news team ko on July 2007, nang dalhin kami sa Basilan City para sa search and rescue operation at napagitna kami sa labanan ng mga Marines at mga rebelde. Nagawa naming ma-cover ang nine-hour firefight, nang sa gitna ng labanan, nakita namin kung paano nag-struggle ang mga Marines sa mortar shells that failed to fire. Iyon din ang hindi ko malilimutan dahil wala kaming nagawa kung hindi magdasal at ialay na lamang ang buhay mo sa Diyos. Kaya labis-labis ang pasasalamat namin na nakaligtas kami roon.”

Ang pangyayaring iyon ay na-document ni Jun V at nailabas sa Reporter’s Notebook na nagpanalo sa kanila ng 2008 New York Festivals Bronze World Medal for “Coverage of An On-going Story.”

Inamin ni Jun V na ang takot na naramdaman sa Basilan ay naramdaman uli niya nang ipadala siya para mag-cover sa Marawi siege.

“ H i n d i m o malilimutan ang mga nakita mong totoong nangyayari doon, at nang may magbigay s a a k i n n g p h o t o tungkol doon, bago ang newscast dahil sabi nila ay wala namang nangyayaring ganoon, kaya napa i s ip ako paano kung lumang photo iyon ano ang mangyayari sa akin?

“Tinawagan ko ulit ang nagbigay sa akin ng photo kung p’wedeng bigyan niya ako ng latest na kuha niya. Nakita raw niya ang nangyar i pero hindi siya makalapit dahil sa safety niya. Nakahinga ako nang maluwag nang bigyan niya ako muli ng bagong photo na siya na ang nakakuha.”

Ngayong 2018, co-host na si Jun ng Reporter’s Notebook with Maki Pulido. Itinuturing niya na malaking karangalan na makasama niya ang veteran reporter.

“And for my first coverage, babalik ako ng Marawi City after one year of the armed takeover to report on rehabilitation efforts and para bisitahin muli at makausap ang mga tao roon na affected ng crisis na nagsimula noong May 23, 2017.”

Ang Reporter’s Notebook ay napapanood tuwing Thursday, 11:35 PM after ng Saksi.

–Nora Calderon