Inirekomenda ng House Committee on Appropriations nitong Miyerkules sa Department of Health (DoH) na alisin sa panukala nitong supplemental budget para sa 2018, ang distribusyon ng medical kits sa Dengvaxia recipients.
Sa pagdinig ng Department of Budget and Management (DBM) hinggil sa mga isyu na may kaugnayan sa Dengvaxia vaccine, sinabi ni Davao City Rep. Karlo Nograles, chairman ng komite, na ang dapat pagtuunan ng pansin ng DoH ay ang profiling o paghahanap at pagtukoy sa Dengvaxia recipients.
Sa ilalim ng House Bill 7449, maglalaan ng of P1,161,710,000.00 para pondohan ang pag-ayuda sa Dengvaxia recipients. Ang halagang ito ay refund mula sa Zuellig Pharma, ang local distributor ng Dengvaxia manufacturer na Sanofi Pasteur.
-Bert De Guzman