Upang higit na mapadali ang pangangalakal at maprotektahan ang mga hangganan ng Pilipinas laban sa pagpasok ng high-risk cargoes, inoobliga ng Bureau of Customs (BoC) ang airlines at shipping lines na isumite nang maaga ang cargo manifest.

Sa Customs Memorandum Order (CMO) 6-2018 na inilabas ni Customs Commissioner Isidro Lapena nitong Mayo 7, iniuutos ang maagang electronic submission ng manifest, bill of lading, commercial invoice, packing list, stowage plan, container discharging list, load port survey report, at supplemental cargo manifest sa Advanced Manifest System ng bureau.

Ang Cargo Manifest o Inward Foreign Manifest (IFM) ay naglalaman ng detalyadong talaan ng kargamento na nakasakay sa barko o sasakyang panghimpapawid.

-Mina Navarro
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji