Okay kay Justice Secretary Menardo Guevarra ang ideyang armasan ang mga piskal upang protektahan ang kanilang sarili laban sa mga banta sa kanilang buhay.

“I will support prosecutors getting firearm for self-defense,” saad sa pahayag ng kalihim.

Una nang hinimok ni dating Integrated Bar of the Philippines (IBP) commissioner at ngayon ay 1-Ang Edukasyon Party-list Rep. Salvador Belaro, Jr. ang Department of Justice (DoJ) na bigyan ang mga state prosecutor ng mga bullet-proof vest at iba pang gamit na proteksiyong pangkaligtasan kasunod ng pamamaslang kamakailan kay Quezon City Deputy City Prosecutor Rogelio Velasco.

Gayunman, sinabi ni Guevarra na walang budget ang DoJ para ipagkaloob sa mga piskal ang nasabing mga gamit sa ngayon.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“I wish we had a budget for body armour,” pag-amin ni Guevarra. “For now we can only wear the breastplate of righteousness and the full armour of God.”

Kaugnay nito, iniutos na ni Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa pagpatay kay Velasco.

Si Velasco na ang ikalimang prosecutor na pinatay sa administrasyong Duterte, kasunod sina Reymund Luna ng Quezon porvince, Diosdado Azarcon ng Caloocan City, Noel Mingoa ng Quezon City, Maria Ronatay ng Rizal, at Pablito Gahol, retirado sa Mandaluyong City.

-Jeffrey G. Damicog