Nailigtas ng pulisya ang dalawang menor de edad sa pangho-hostage ng sariling ama sa isang simbahan sa Barangay Ajat, Iguig, Cagayan, nitong Martes.
Kasalukuyang nakakulong sa Iguig police station ang suspek na si Ronie Okim Omaña, 29, pedicab driver, ng Ilang-Ilang Street, Guiguinto, Bulacan.
Sa imbestigasyon ng Police Regional Office 2 sa Cagayan, naganap ang insidente nang dumalo ang suspek sa misa ng libing ng biyenan sa isang simbahan sa Iguig.
Pa l iwa n a g n g pul i s y a , katatapos lamang ng mi s a nang umakyat ang suspek sa ikalawang palapag ng simbahan, kasama ang dalawang anak, at ikinulong ang mga ito sa isang comfort room.
H a b a n g n a k a k u l o n g , sinasaktan umano ng suspek ang dalawang anak at nang makipagnegosyasyon sa kanya ang mga pulis at nais lamang pala nitong kausapin ang asawa na kaagad namang natugunan.
Gayunman, hindi pa rin tumitigil ang suspek sa pananakit sa dalawang anak kaya sinugod na ito ng mga pulis.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law.
-Liezle Basa Iñigo