ISA sa pinakaabalang kontrabidang babae noong dekada 80 si Rosemarie Gil, ina nina Cherie, Michael de Mesa at Mark Gil (SLN). Ang asawa niya ay si Eddie Mesa, ang kinilalang Elvis Presley ng Pilipinas.
Sa Amerika na nakatira ang mag-asawa.
For a rare screen appearance, muling aarte si Rosemarie sa indie project na Delia and Sammy, isa sa mga kalahok sa Cine Filipino Film Festival.
Nakarating sa kaalaman ni Atty. Joji Alonzo ang pag-uwi ng batikang aktres para magbakasyon kaya agad niyang ipinadala kay Cherie Gil ang script para mabasa ng ina nito. Bagay din kay Cherie ang role pero it was really intended para kay Rosemarie. Pumasa sa panlasa ni Rosemarie ang karakter ni Delia.
Ang kuwento ng ng Delia and Sammy ay tungkol sa isang old couple, ang paghahanap ni Delia ng taong kakalinga kay Sammy sa kapag pumanaw na siya. Si Delia ay isang artistang nalaos na at ang kanyang asawa naman ay retired army man na ginagampanan ni Jaime Fabregas.
Kasama sa cast si Tessie Tomas bilang dating querida ni Sammy at si Nico Antonio, isang security gurad na nagmamalasakit kay Sammy.
Sa special screening ay pinuri nang husto ang acting ni Rosemarie Gil at ang malaking chance na mag-uwi ng award bilang best actress, her first kung saka-sakali.
Ang Delia and Sammy ay mula sa panulat at direksiyon ng baguhang si Therese Cazaba na ngayon lamang nakalusot matapos ma-reject ang istorya sa ibang filmfest.
-REMY UMEREZ