Ibinahagi ni “A Special Memory” star Carlo Aquino ang dahilan kung bakit pinakasalan niya agad ang misis na si Charlie Dizon kahit maikli lang ang kanilang dating period.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Marso 10, sinabi ni Carlo na mahal na mahal umano niya si Charlie kaya nagdesisyon siyang makasal na sila sa lalong madaling panahon.
“Mahal na mahal ko kasi si Charlie kahit na sobrang short lang ‘yong dating namin. Nag-decide ako na this is my friend, and this is my life partner,” saad ni Carlo.
Ayon sa aktor, tumagal lang umano ng pito o walong buwan ang kanilang dating period.
“Tapos nag-decide ako na ito na, ito na ‘yong magiging life partner ko. Kaya ko siyang maging kaibigan, kaya ko siyang maging kaaway, kaya ko siyang mahalin. Lahat, kaya ko kasama siya,” dugtong pa niya.
Matatandaang ginanap ang secret wedding nina Charlie at Carlo sa isang private resort sa Silang, Cavite noong Hunyo 9.
MAKI-BALITA: Charlie Dizon, Carlo Aquino ikinasal na!
Pero bago pa man dumating si Charlie sa buhay ni Carlo, nakarelasyon muna niya si Trina Candaza at nagkaroon sila ng anak na si Mithi.