INANGKIN ni International Master Joel Pimentel ng Bacolod City ang 1st Engr. Joseph A. Ignacio Chess Cup tournament na isinagawa sa Pinoy Chess Club Online (PCConline) Chess Challenge facebook site nitong weekend.

Si Pimentel, miyembro ng multi-titled Philippine Army chess team, ay nakaipon ng 6.0 puntos para makopo ang titulo sa event na inorganisa ni Pinoy Chess Club Online Facilitator, Arbiter FNA Noel Morales kung saan nagsilbing punong abala si tournament director Joseph A. Ignacio sa 2 minutes bullet time control format.

Tumapos naman sa ika-2 puwesto si dating Philippine Junior Champion National Master (NM) Marc Christian Nazario matapos makalikom ng 5.0 puntos tungo sa pagsubi sa runner-up.

Nasa ika-3 puwesto naman si Datu Ali Sinsuat kasunod si Tino Laurio.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!