Ni Orly L. Barcala

Talo sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan election ang incumbent barangay chairman sa Malabon City, na kinasuhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Department of Interior and Local Government dahil sa umano’y pagiging protektor ng ilegal na droga.

Umani ng 2,151 boto si dating Barangay Chairman Alvin Mañalac, ng Barangay Tinejeros ng nasabing lungsod, kaya nanalo si Ryan Geronimo, na nakakuha ng 3,216 na boto.

Ayon sa bagong chairman, malaking epekto ang pagkakasama ni Mañalac sa narco-list ng PDEA.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Matatandaang sinalakay kamakailan ng awtoridad ang shabu laboratory sa Bgy. Tinejeros na halos katabi lamang ng barangay.