Ni Nora Calderon

FAKE news ang pinakalat na tsikang lilipat na si Teresita Ssen o si Winwyn Marquez sa ibang network pagkatapos niyang manalo bilang Reina Hispanoamericana on Novembeer 4, 2017 sa Bolivia.

Teresita Ssen Winwyn Marquez copy

Ipagpapatuloy ni Wyn ang kanyang journey as an actress matapos niyang muling mag-renew ng exclusive contract sa GMA Network.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Isa si Wyn sa home-grown talents ng Kapuso Network at ikinatuwa niya at feeling blessed siya nang mag-sign siya contract.

“I’m very, very happy to stay here in my home network. Sobrang saya ko,” sabi ng beauty queen/actress. “My manager and the Entertainment Content Group ng GMA are really doing their best to give me something na babagay sa akin.”

Huling napanood si Wyn sa Mulawin vs Ravena bago siya nag-join ng international beauty pageant na siya nga ang tinanghal na reina.

“Para po sa susunod kong project, gusto kong i-challenge ang sarili ko at mag-action naman ako. Gusto ko mala-Lara Croft or Scarlett Johanson. Iyon yung mga gusto kong gawin, kung merong magandang project, I would love to do that.”

Present sa kanyang contract signing ang GMA Entertainment Content Group headed by Ms. Lilybeth Rasonable, Senior Vice President, Geleen Eugenio and Wyn’s manager Arnold Vegafria.

Sa ngayon, busy pa si Wyn sa various advocacy projects bilang Reina Hispanoamericana 2017.

Sa contract signing, tiniyak ni Ms. Rasonable sa fans ni Wyn na ipagpapatuloy ng GMA ang pagbibigay ng quality projects sa kanya.

“Nag-uusap na kami with her manager regarding sa project niya for primetime to be announced soon,” ani Ms. Lilybeth. “Winwyn has proven herself as a very good actress. Bukod dun, marami pa siyang ibang talents like dancing na p’wede pa rin niyang gamitin in our other shows. We are committed to support her.”