Ni Nitz Miralles

LAST Tuesday na ng The One That Got Away at hanggang Friday na lang mapapanood ang mga “bakla,” ang favorite na tawag ni Alex (Lovi Poe) kina Darcy (Max Collins) at Zoe (Rhian Ramos) sa rom-com series.

Rhian, Lovi at Max copy

Nagpasalamat na ang tatlo sa viewers na ilang buwan ding tumutok sa TOTGA na habang kinukunan ay naging magkakaibigan ang tatlong leading ladies ni Dennis Trillo. Naging daan din ang rom-com series para maging kaibigan ng mga “bakla” at ng tunay na bakla na si Nar Cabico si Renz Fernandez. Gumaganap ang dalawa sa role nina Bubby at Gab respectively.

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa

Sa IG story ni Solenn Heussaff na nag-guest sa TOTGA, magkakasama sila nina Lovi, Nar, Renz at KC Concepcion na naging friend ni Lovi nang magkasama sila sa Berlin, Germany para sa Omega event.

Nagpasalamat si Rhian by posting, “Thanks for sticking with us through the crazy week guys. #TheOneThatGotAway.”

Pero bago magtapos, marami pa ang mangyayari sa TOTGA na magpapatawa at magpapakilig sa viewers.

Successful ang airing ng rom-com series, marami ang nagre-request ng extension pero na-extend na ito at hindi na puwedeng pahabain uli dahil ready na ang Inday Will Always Love You na papalit sa time slot nila.