Ni Marivic Awitan

MATAPOS ang dalawang sunod na pagkatalo sa mid season conference, nagpahiwatig ng posibleng pagpapalit ng reinforcement ang reigning titlist San Miguel Beer.

Ayon kay Beermen coach Leo Austria , dismayado sila sa performance ng kinuhang import na si Troy Gillenwater, sa naunang dalawa nilang laban, pinakahuli noong nakaraang Linggo sa kamay ng Rain or Shine Elasto Painters sa Antipolo City.

Nagtala sa nasabing laro si Gillenwater ng 11 puntos at 3 rebounds, at ang masaklap na0-eject ito sa laro sa kaagahan ng second period atapos banggain sa balikat ang isa sa tatlong game officials.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dahil dito, naglaro angSan Miguel na walang import sa kabuuan ng second half hanggang overtime na naging dahilan ng kanilang 129-123 kabiguan sa Elasto Painters.

“Compared to other imports, we’re not impressed,” ani Austria. “Pero yung first quarter niya, very impressive. First quarter lang. He should last at least 40 minutes per game but nakikita natin kanina, he’s so frustrated.”

“What they experience right now is a different ballgame. Ina-underestimate yata nila ang PBA eh,” aniya.

Ngunit wala pang kumpirmasyon ang kanyang deputies kung kailan at kung talagang magpapalit sila ng import..

“Probably in a couple of days sana may result na,” ani Austria.

“The good thing is we still have five days if ever na magre-replace kami. For sure pag-uusapan namin yon.”

Kapag nagkataon, posibleng may bagong import na ang SMB sa pagsabak nilang muli sa darating na Sabado kontra Alaska Aces sa Dumaguete City..

“There’s a possibility,” pahiwatig ni Austria.. “But I’m not sure because we don’t know yet.Sabi ko nga, paguusapan pa namin.”