Ni Bella Gamotea

Nagkumahog ang mga motorista sa pagpapakarga ng gasolina sa kani-kanilang sasakyan upang makatipid at hindi maapektuhan ng big-time oil price hike na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong Martes.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Martes ay magtataas ng P1.20 sa kada litro ng diesel, P1.10 sa gasolina, at 95 sentimos sa kerosene.

Inaasahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa dagdag-presyo, na bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa