Ni Reggee Bonoan

SA huling palitan namin ng mensahe ni Angeline Quinto ay gusto niyang makaharap ang taong nagmura sa kanya at sa Mama Bob niya at pinagbantaan pa ang buhay nila bunsod ng fake news na pinagtawanan daw niya si Sarah Geronimo nang mag-breakdown sa Las Vegas concert nito.

Angeline copy

Mukhang gusto rin naman ni Miko Marz, ang taong inireklamo ni Angeline ng Cyberbullying at Threat na magkausap sila para humingi ng sorry, nadala lang daw ito ng galit nito.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ang tanong, sino ang taong nasa likod ni Miko Marz para siraan sina Angeline at Morisette Amon? Nakakaduda kasi ang kuwentong ito.

May nakausap kasi kaming popsters (fans ni Sarah) na karamihan ay hindi kilala si Miko Marz at hindi rin nila nakikita sa events.

Kung ganoon, hindi nagpapakita ang taong ito sa kapwa niya popsters? At mag-isa lang siyang pumupunta kay Sarah sa ABS-CBN?

May nakausap kami na nagdududang, “Parang inutusan lang ‘yang taong (Miko Marz) ‘yan na siraan sina Angeline at Morisette para doon ibaling ang nangyari kay Sarah sa States. Para hindi masira si Sarah, para hindi na pag-usapan pa ‘yung nangyari kasi malaking isyu ‘yun for Sarah kung bakit siya nag-breakdown.”

Hmmm, posible nga kaya na may nag-utos lang sa kuno-kunong popster na ito para idawit sina Angeline at Morisette? Wala naman kasing video na mailabas.

Kaya as of this writing ay iniimbestigahan na kung sino ang nag-utos kay Miko Marz.