Ni Mary Ann Santiago

Hindi na nalaman pa ng isang senior citizen na kandidato para barangay kagawad kung mananalo ba siya sa eleksiyon, makaraan siyang bawian ng buhay bago pa man magsimula ang botohan sa Quiapo, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Senior Supt. Danny Macerin, chief of staff ng Manila Police District (MPD), ang nasawi na si Felino Baligod, 62, kandidato para kagawad ng Barangay 390, Zone 40, District 3 sa Quiapo.

Batay sa ulat, nabatid na naghahanda na si Baligod sa pagtungo sa polling precinct upang bumoto nang biglang atakehin sa puso sa loob ng bahay nito sa Licauco Street, dakong 6:55 ng umaga.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon sa pulisya, dumanas ng cardiac arrest si Baligod, na naisugod pa sa Sampaloc Hospital ngunit dead on arrival na ito.