Ni Mary Ann Santiago

Isang estudyante at isang construction worker, na kapwa wanted sa limang bilang ng rape, ang magkasunod na inaresto ng mga awtoridad sa Sta. Ana, Maynila, nitong Linggo ng gabi.

Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD)- Station 6 sina John Joshua Revilla, 18, estudyante, ng Taal Street; at Nandy Portugal Jr., 21, construction worker, ng J. Posadas Street, Punta, Sta. Ana, sa bisa ng warrant of arrest para sa limang bilang ng rape.

Sa ulat mula sa tanggapan ni MPD-Station 6 commander Supt. Olivia Sagaysay, bago ang pag-aresto ay nakatanggap ng tip si SPO3 Ronald Santiago, officer-in-charge ng Intelligence Section ng MPD-Station 6, mula sa Barangay Information Network (BIN) na namataan ang mga suspek sa J. Posadas Street kaya kaagad silang rumesponde.

National

Habagat, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa -- PAGASA

Unang naaresto si Revilla dakong 7:45 ng gabi, habang 8:30 ng gabi naman nadakip si Portugal.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng mga akusado.