Ni Reuters
KABILANG sina Jane Fonda, Salma Hayek at Marion Cotillard sa 82 kababaihan na nagsagawa ng symbolic walk up sa red carpet ng Cannes Film Festival sa France nitong Sabado, bilang pagpapakita ng pakikipagkaisa sa kababaihang walang tinig sa movie industry.
Sa unang Cannes festival simula na sumabog ang sexual abuse scandals na bumasag sa Hollywood nitong nakaraang taon, binasa nina Cate Blanchett, ang head of the jury na gagawad ng Palme d’Or, at veteran French director na si Agnes Varda ang isang pahayag.
“As women, we all face our own unique challenges, but we stand together on these stairs today as a symbol of our determination and commitment to progress,” nakasaad sa pahayag.
Ang bilang ng kababaihan na nakiisa ay katumbas ng bilang ng mga pelikulang idinirehe ng mga babae na napiling itampok sa Cannes sa mahigit pitong dekadang kasaysayan nito, kumpara sa 1,645 pelikulang idinirehe ng mga lalaki na nagkaroon ng ganitong parangal.