Mula sa Cover Media

PINASALAMATAN ng Fifth Harmony ang kanilang fans sa matagal na pagsuporta sa kanila matapos kumpletuhin ang tila magiging final ever performance bilang girl group.

Ally , Dinah , Lauren at Normani

Nagtanghal sina Normani Kordei, Ally Brooke, Dinah Jane, at Lauren Jauregui sa entablaso sa huling pagkakataon para sa foreseeable future sa Hard Rock Live sa The Event Center sa Hollywood, Florida, nitong Biyernes, at kalaunan ay nagpaskil ng emotional messages sa social media.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“We couldn’t have asked for a better final show, thank you to everyone who came out tonight! Florida, we love you! You’re forever in OUR hearts,” post ng Fifth Harmony sa Twitter. Nag-post ang American girl group ng pahayag sa social media noong Marso na nagpapahayag ng kanilang paghihiwalay para ipursige ang solo career hanggang sa hindi matiyak na panahon.

“I love you,” caption ni Ally sa black-and-white shot ng foursome sa Twitter, habang si Normani ay nagpaskil ng litrato ng banda na naghahanda sa harapan ng salamin, at isinulat na: “FOREVER & ALWAYS I love you more than you’ll ever know. Thank God for all of it.”

Nagbahagi naman si Lauren ng nakakatawang kanilang litrato na nag-aasaran, at kalaunan ay ibinahagi ang heartbreaking post ng kanilang manager na si Will Bracey, na inilarawan ang favourite memories nito kasama ang girl band.

“Fifth Harmony gave me the four most fulfilling years of my life,” saad niya. “Some of the greatest most life-changing moments I could ever have imagined. No one has spent more time with than me in the last four years. And what a pleasure it has been.”“I love you all very much, and can’t wait to see what this new journey brings for all of you,” pagtatapos ni Will.

“Will I’m sobbing. Hysterical tears are rolling down my face. Wow,” sagot ni Lauren.Orihinal na binubuo nina Ally, Normani, Dinah, Lauren, at Camila Cabello, sumikat ang girl group noong 2012 matapos pumangatlo sa second season ng U.S. singing competition na The X Factor.

Umalis si Camila sa grupo noong 2016, at nitong Marso, ipinahayag ng nalalabing mga miyembro ang mga plano nila para subukang mag-solo na rin.