Ni Marivic Awitan

ITATAYA ng TNT Katropa ang malinis na kartada sa pagsabak kontra Alaska sa unang laro ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Commissioners Cup.

Magsasagupa ang Katropa na kasalukuyang nagsosolo sa liderato taglay ang walang bahid na 3-0 marka at ang Aces ganap na 4:30 ng hapon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Susundan ito ng pagtutuos ng reigning titlist San Miguel Beer at Rain or Shine sa tampok na laban ganap na 6:45 ng gabi.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Huling tinalo ng tropa ni coach Nash Racela ang crowd favorite Barangay Ginebra noong nakaraang Mayo 6 sa iskor na 96-92 para sa ikatlong dikit nilang panalo sa MOA Arena habang galing naman ang Aces sa ikalawang sunod na panalo kontra Columbian Dyip, 134-103, nitong Mayo 4.

Dahil sa panalo na nag-angat sa kanila sa barahang 2-1 pumatas ang Aces sa ikatlong puwesto sa Globalport Batang Pier na nakatakda namang sumalang kahapon kontra Magnolia sa isang road game sa Angeles City, Pampanga.

Sa pagkakataong ito, inaasahang babawi si TNT import Jeremy Tyler sa kanyang dalawang puntos at 15 rebounds na produksiyon kontra Kings sanhi ng pagkaka-ospital dulot ng pananakit ng tiyan.

Lumarong tila import ang beteranong si Jayson Castro upang isalba ang Katropa na nakakuha lamang ng tatlong puntos kay Terrence Romeo sa nasabing laro.

Samantala, aabangan naman ng mga fans ang pangakong pagbawi ng top rookie draft pick na si Christian Standhardinger na nagtala lamang ng 4 na puntos, 5 rebounds at tig-2 assists at isang steals sa 85-93 kabiguan ng Beermen sa Meralco sa una nilang laro.

“Nasa adjustment period siya eh. He’s trying to figure out what is good para sa team namin, what kind of help he has to provide,” paliwanag ni coach Leo Austria. “But definitely makikita niyo kung anong worth niya.”

Mga Laro Ngayon

PBA Sched May 13 copy

(Ynares Sports Center)

4:30 n.h. -- Alaska vs TNT Katropa

6:45 n.h. -- San Miguel vs Rain or Shine