Ni Annie Abad

BAGONG talento ang nais na madiskubre ng isa sa pinakapipitaganang National Bowler ng bansa na si Olivia “Bong” Coo na siyang kasalukuyang secretary general ng Philippine Bowling Federation (PBF).

Ayon Kay Coo layunin ng PBF na muling buhayin ang bowling sa bansa tulad ng dati kung kaya plano nila sa pederasyon na maglunsad ng isang “talent search” para makatuklas ng mga bagong talento na sasanayin sa national team.

“We are going to conduct a talent search for bowling specially for the women’s which we are going to open for all,” pahayag ni Coo sa panayam ng Balita.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Inamin ng dating bowling great na kulang pa ang kanilang pambatong babae sa nasabing sports kung kaya nais nilang dagdagan ng talento ang mga bowlers na babae.

“Marami na kasing magagaling na bowler na lalaki so we need some reinforcements para sa ladies,” dagdag pa ni Coo

Ang nasabing talent search ay gagawin sa pamamagitan ng isang torneo na kung saan ay imbitado ang lahat ng.mga kababaihan na mahilig maglaro ng bowling.

“We are working on it. Siguro after Asian Games sisimulan na namin,” ani Coo.

Ikinatuwa din niya ang naging pagtangkilik ng marami sa ginanap na PBF Philippine International Open 2018 sa Starmall sa Edsa Mandaluyong. Hindi umano inakala ni Coo na dadayuhin ng mga mga manlalaro sa ibang bansa ang nasabing torneo.

“We didn’t expect this kind of support we got from these players. Successful uing tournament and of course we are planning of doing this again next year, tamang tama sa Southeast Asian games” ani Coo.