Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

PBA Sched May 12 copy

(Angeles University Foundation gym)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

5:00 n.h. -- Globalport vs Magnolia

MAKASALO sa ikalawang puwesto kasama ng Rain or Shine at Meralco ang tatangkain ng Globalport sa kanilang pagsagupa sa Magnolia ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Commissioners Cup na dadayo sa Angeles City sa Pampanga.

Ganap na 5:00 ng hapon ang simula ng tapatan ng Batang Pier at Hotshots na magaganap sa Angeles University Foundation gym.

Kasalukuyang nasa ikatlong puwesto ang Globalport taglay ang markang 2-1 kasalo ng Alaska at Phoenix na may laro kahapon habang isinasara ang pahinang ito kontra NLEX sa Alonte Sports Arena sa Biñan,Laguna.

Matapos matalo sa kanilang unang laro, nagtala ng dalawang dikit na panalo ang Batang Pier, pinakahuli nitong Mayo 2 kontra Blackwater,117-106 sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Sa kabilang dako, nabigo naman sa una nilang pagsalang ang Hotshots sa kamay ng Phoenix nitong Mayo 6 sa iskor na 87-89.

Umaasa si Hotshots coach Chito Victolero na makakabawi sila sa nasabing pagkabigo sa Fuel Masters kung saan nagkaroon sila ng endgame blunder sa pagtawag ng excessive timeout.

“Beterano naman ang team na ito, they knew how to bounce back. Kailangan lang mag ingat sa turnovers at mas maging aggressive pa sa rebounds, “ sambit ni Victolero.