Ni Annie Abad

UMAASA si Philippine Bowling Federation (PBF) president Steve Robles na magbabalik ang dating kinang ng bowling sa pagbabago ng liderato at patuloy na pagsulong ng programa kabilang na ang kasalukuyang 2nd PBF Philippine International Open Championship sa Coronado Lane sa Starmall sa EDSA Mandaluyong.

Ayon sa PBF chief, natutuwa siyang makita na nagbabalik na ang interest ng kabataan sa bowling na matagal ding natahimik bunsod ng iba’t ibang kaganapan.

“I’m very happy with the support of the bowling enthusiasts. Dati kasi nilalangaw na ang mga lanes, I mean komunti kasi yung nakaka-appreciate ng larong bowling,” pahayag ni Robles.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa kasalukuyang torneo, nakapasok sa final round ang defending champion na si Kenneth Chua upang depensahan ang kanyang titulo, kontra sa siyam na foreign rivals.

Mas tumaas umano ang kumpiyansa ng Philippine Team ayon kay Robles gayung nakikita umano niya ang pagpupursige ng mga batang players na tiyak na magbibigay ng ayusa sa kampanya sa abroad.

“They are training very well, and playing very good. Makikita mo talaga na purisigido sila na manalo. Kaya alam ko kaya nila pagdating ng Asian Games,” ayon kay Robles.

Bagama’t hindi kasama ang kasalukuyang torneo sa qualifying round para sa Asian Games, inamin naman ni Robles na mahalaga din ang nasabing event gayung mahahlagang puntos ang kukunin mula dito upang maging batayan sa nasabing quadrennial meet.

Bukod dito, may nakatakda pa umanong torneo na lalahukan ang National Team – Singapore Open sa Hunyo 5-10.

“Sunud sunod na yan. After Singapore may PBA Open pasa sa Negros naman so talagang mahahasa sila nang husto,” pahayag pa ni Robles.