NAKATUON ang pansin kina Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna at International Master-elect John Marvin Miciano – dalawa sa sumisikat na chess master sa bansa – sa kanilang pagsabak sa torneo sa Spain, the Netherlands, at Belgium.

FRAYNA: Sabak sa European chess circuit.

FRAYNA: Sabak sa European chess circuit.

Kasama ng kanilang coach Grandmaster Jayson Gonzales, sasabak sina Frayna at Miciano sa Barbera, del Valles International del Valles International sa Hulyo 4 hanggang 12 sa Spain; ang 20th Obert International sa Hulyo 13 hanggang 21 sa Sant Marti, Barcelona; ang 44th Sitges Open din sa Spain, ang 22nd Hogeschool Zeland tournament sa Agosto 4 hanggang 11 sa the Netherlands at 2018 Brugse Masters sa Agosto 12 hanggang 16 sa Belgium.

Ang 21-year-old Frayna mula Legaspi City, Albay, cum laude psychology graduate mula Far Eastern University ay naghahangad na ang kanyang rating ay makaabot sa 2400 tungo sa kanyang full-fledged IM kasama na sa paglapit sa world’s top 10 female players.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Habang ang 17-year-old pride Miciano mula Davao City na may live rating 2450 target taget ang GM norm at eventually maging GM sa 2200.

Naka iskeydyul din si Frayna na mag top board sa women’s squad ng Philippine Team sa nalalapit na 2018 World Chess Olympiad sa Setyembre sa Batumi, Georgia.

Si Frayna na sariwa pa sa runner-up finish sa 2018 JAPFA Women’s Grandmaster Tournament sa Indonesia nitong May 5, 2018 ay isa sa tatlong brand endorser sa latest Buscopan Venus Digital Ad campaign.

Si Frayna ang 1st Filipina Woman Grand Master at naka abot sa 2300 Elo rating, si Hillary Diane Andales ay Award-Winning Science Vlogger at si Dara Mae Tuazon, Street Teacher , Aspiring Preschool Teacher at Founder ng Bangketa Eskwela Foundation Inc.