Ni Leandro Alborote

CAMILING, Tarlac - Dahil sa kinikimkim na galit, pinagtataga ng lalaki ang kanyang kapitbahay na matagal na nitong kaaway sa Camiling, Tarlac, nitong Martes.

Isinugod sa Señor Sto. Niño Hospital ang biktimang si Mario Guilllermo, 55, dahil sa mga sugat sa katawan.

Sa pagsisiyasat ng Camiling police, nagkita ang biktima at ang suspek na si Christopher Caoagdan, 29, at nagkaroon ng pagtatalo sa Barangay Cayaoan, Camiling, bandang 6:00 ng umaga.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa gitna ng pagtatalo, kumuha umano ng jungle bolo ang suspek at makailang beses pinagtataga ang biktima.

Inihahanda na ng imbestigador ang kasong frustrated murder laban kay Caoagdan.