Ni Genalyn Kabiling

Itinalaga ng Malacañang si Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers and Muslim Concerns Abdullah Mamao bilang special envoy to Kuwait.

Nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na layunin nito na maibalik sa normal ang relasyon ng bansa sa Kuwait.

“Mamao’s mission includes recovering the Filipino diplomats and drivers facing charges for the controversial rescue of distressed OFWs in Kuwait, overseeing the repatriation of workers who wish to return home, and forging a labor protection pact with Kuwait,” pahayag ni Roque.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Isinagawa ang pagtatalaga kay Mamao upang mapalamig ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait kaugnay ng hindi makataong pagtrato ng Kuwaiti employers sa mga manggagawang Pinoy, partikular sa mga household service worker (HSW).

“The President said that Secretary Mamao would be appointed as special envoy to Kuwait and he was tasked to return to Kuwait immediately to make sure that all Filipinos who should be sent back home can return home. I do not know when Mamao can actually fly back to Kuwait but the President’s marching order was as soon as possible,” anito.

Aniya, inaasahang maaayos ni Mamao ang kinakaharap na problema ng bansa sa Kuwait, kabilang na ang pakikipag-usap para sa kalagayan ng mga Pinoy diplomat na pinaghahanap na sa nasabing bansa, gayundin ang pagkakakulong ng apat na kasama sa isinagawang rescue mission, kamakailan.

“We want to see our three diplomats home. We want the four drivers completely cleared because they are residents of Kuwait. Hindi naman sila uuwi. There’s about 800 runaways that we want to bring home,” paglalahad pa ni Roque.