BAHAGI ng Team Pacquiao sa paghahanda laban kay Argentinian champion Lucas Matthysse si General Santos City native Nonito Donaire Sr. – ama ni three-division champion Nonito Jr.
Isang linggo bago simulan ang opisyal na pagsasanay ni eight-division champion Manny Pacquiao, idinagdag sa Team Pacquaio si Nonito Sr. para makatulong sa gagawing taktika ng Pinoy boxing icon, laban sa reigning WBA welterweight champion.
Nakatakda ang pagbabalik aksiyon ni Senator Pacquaio sa Hulyo 15 sa Axiata Arena sa Malaysia.
“Donaire will serve as one of the assistant coaches,” sambit ni Pacquiao, matapos ang ilang rounds sa gabay ng matandang Donaire.
Napatanyag si Donaire Sr. nang gabayan ang anak sa matagumpay na pro career.
“So far, so good. I am happy with my current team,” pahayag ni Pacquiao.
Sa kasalukuyan, pitiks lang muna ang ensayo ni Pacquiao na naghahangad muli nang panalo matapos ang kontrobersyal na 12-round unanimous decision kay Australian Jeff Horn sa Brisbane.
Sa pagkakasama ni Donaire sa kampo ni Pacquiao, mas tumibay ang pag-asa na makamit niya ang ika-11 world title sa unang pagkakataon na all-Pinoy ang mangangasiwa ng kanyang pagsasanay.
Ang kaibigang matalik na si Buboy Fernandez ang head coach, habang kabilang sa assistant si Raides “Nonoy” Neri.