KINORONAHAN bilang 2018 Reyna ng Aliwan Fiesta si Chelsea Fernandez, 19 anyos na Broadcasting major student mula Tacloban City moong Sabado ng gabi.

Chelsea Fernandez copy

Bilang kinatawan ng Sangyaw Festival, tinalo ni Chelsea ang 19 na iba pang mga kandidata mula sa iba’t ibang rehiyon ng kapuluan, sa pinakaabangang pageant na nakapaglunsad na ng maraming beauty queen sa national at international competitions.

Pumangalawa si Chanel Mistyca Corpuz ng Abrenian-Kawayan Festival at kapwa second runner-up naman sina Lady Justerinnie Santos ng Singkaban Festival ng Bulacan, Ashanti Shane Ervas ng Niyug-Niyogan Festival ng Quezon, at Shaila Mae Recortera ng Sinulog Festival ng Cebu.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nakamit din ni Chelsea ang mga parangal ng best in swimsuit at best in evening gown, samantalang nagwagi si Lady Justerinnie ng best in festival costume. Si Ella Mariz Cayabyab ng Boling-Boling Festival sa Catanauan, Quezon ang tinanghal na Miss Photogenic.

Ang pagwawagi ni Chelsea Fernandez ay labis na ipinagbunyi ng mga taga-Leyte, na siya ring nagwagi sa float design at streetdance competitions. Itinuturing ng marami na labis ang suwerte ng mga Waray nang gabing iyon, na sinimulan ng pagkakapanalo sa Egypt ng 2016 Reyna ng Aliwan na si Cynthia Thomalla (tubong Macrohon, Southern Leyte) bilang Miss Eco International bandang alas siyete ng umaga dito sa Pilipinas.