Ni ADOR SALUTA

BIHIRA sa mga artista ang mapalad na nakakatrabaho ng award-wining na si Mike de Leon, ang direktor ng mga klasikong pelikula gaya ng Kisapmata, Batch ’81, Kung Mangarap Ka’t Magising, Kakaba-kaba Ka Ba?, Sister Stella L, Hindi Nahahati Ang Langit, Southern Winds at Bayaning 3rd World.

RICHARD AT DIREK MIKE copy

Pagkatapos ng labing-walong taon, muling nagbalik sa paggawa ng pelikula si Direk Mike via Citizen Jake na pinagbibidaan ni Atom Araullo. Kaya masuwerte si Richard Quan pati na sina Gabby Eigenmann, Max Collins, Adrian Alandy, Teroy Guzman at Ms. Dina Bonnevie.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Nagkuwento si Richard via Facebook messenger ng experiences sa pakikipagtrabaho kay Direk Mike sa Citizen Jake na hindi niya malilimutan.

“Before Citizen Jake, wala akong masyadong exposure kay Direk Mike. All I know is that he’s a good director. Kung sa ‘yo at sa iba, his greatness came from his previous works. Sa akin hindi applicable ‘yun, kasi nga I really don’t know kasi, hindi ako familiar with his works.

“Naintriga lang ako kasi when I got the part, people from the business were congratulating me. From then on, nag-research ako about him and observed how he works.

“Nagulat nga ako na siya pala director nu’ng movie with Jay Ilagan and Vic Silayan na Kisapmata which is about incest. Eh, one of the most unforgettable scenes sa akin ‘yung isang eksena du’n.Napanood ko siya noong teenager pa ako,” kuwento ni Richard.

Dumaan sa audition si Richard para magampanan ang role ni Enchong, henchman ng isang politically-inclined family.

“Yes, I auditioned for the henchman role. I portrayed various henchman characters in the past, pero this is different. And I always make it a point na iba-iba ang pinanggagalingan at motivation ng character ko lagi, although pareho minsan ang description.

“After I auditioned, wala akong tawag for months kaya akala ko wala na ‘yun. Nalaman ko na may isang staff na nagsasabi kay Direk Mike na I’m not available. That staff got fired. When they called me up again, nalaman nila na available pala ako.

“Si Direk Mike pa ang nag-sorry sa akin no’ng first day shoot ko sa kanya kasi from the start kasama daw ako, nagkaroon lang ng misunderstanding,” kuwento ni Richard.

Kaya kahit unang pakikipagtrabaho lang niya kay Direk Mike, itinuturing ni Richard na malaking tulong na wala siyang alam kung paano ito magdirihe.