Ni Bella Gamotea

Nagpatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V at Pilipinas Shell, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 6:00 umaga ng Mayo 8 ay nagtapyas ito ng 60 sentimos sa kada litro ng kerosene, habang 30 sentimos naman ang binawas sa gasolina at diesel.

Hindi naman nagpahuli ang Shell at nagpatupad din ng kahalintulad na bawas-presyo sa petrolyo ngayong umaga.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kaparehong oil price rollback, na bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sa datos ng Department of Energy (DoE), naglalaro na ngayon ang bentahan ng gasolina sa P47.60-P57.60 kada litro, P45.22- P54.96 sa kerosene, at P38.65-P44.73 sa diesel.