PINAGHARIAN ni Datu Ali Sinsuat ang 2nd Carlo Velasco Cup Pinoy Chess Club Online (PCCOline) Chess Challenge two minutes bullet time control format na isinagawa nitong Mayo Uno sa PCCOline Facebook site.
Naibulsa ni Sinsuat ang titulo sa pagkamada ng limang puntos sa event na inorganisa ni Fide National Arbiter at PCCOline facilitator Noel Morales kung saan ang nagsilbing punong abala si tournament director Carlo Velasco.
Magkasalo sa ika-2 hanggang ika-3 puwesto sina Patrick Panaligan at Nino Bondoc sa paglikom ng tig apat na puntos.
Nasa solong ika-4 na puwesto naman Syrel June Coleta na may tatlong puntos habang naiuwi naman ni Enrica Villa ang top Lady award na may dalawang puntos matapus ungusan si Woman National Master Arvie Lozano na nakaipon ng isang puntos.
Simula na ang pagpapatala sa free registration fee PCCOline Chess Challenge tournament sa tinampukang Malolos Chess Club 6th Saida Mapa Cup na iinog sa Mayo 5, 2018.