Ni Bella Gamotea

Isinelda ang isang Indian matapos arestuhin ng awtoridad dahil sa umano’y panghihipo sa isang 31-anyos na babae sa loob ng sinehan sa Makati City, nitong Sabado ng gabi.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas sa Makati City Police ang suspek na si Krishnamurty Unkili, 46, power plant engineer, ng No. 29B Tower 1, The Colums, Gil Puyat Avenue, Barangay Bel-air ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente sa sinehan sa isang mall sa Bgy. San Lorenzo, sa Makati City, dakong 7:15 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa reklamo ng biktima, na itinago sa pangalang “Julie”, kasama niya sa loob ng sinehan ang kanyang asawa at abala sila sa panonood ng pelikula nang maramdamang may kamay na humawak sa kanyang ari hanggang sa matuklasang kamay ito ng suspek.

Agad humingi ng tulong ang biktima sa guwardiya at inaresto ang Indian.

Dumiretso ang biktima at ang suspek sa tanggapan ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD), para sa kaukulang imbestigasyon.

Mahaharap si Unkili sa kasong Acts of Lasciviousness.