PANGUNGUNAHAN nina 13-time Philippine Open champion Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr., Grandmaster elect International Master Ronald Dableo at International Master Chito Garma ang mga paboritong kalahok sa pagtulak ng Chief PNP (Philippine National Police) Cup King of the Board Chess Challenge na may temang “Push Pawns Not Drugs” na susulong sa Mayo 13 sa Multi Purpose Center (MPC), Camp Crame, Quezon City.
Ayon kay tournament director Joms Mendoza Pascua, bukas ang nasabing National Chess Federation of the Philippines sanctioned tournament sa lahat ng manlalaro, may titulo man o wala kung saan naghihintay ang top prize P10,000 plus elegant trophy sa magkakampeon sa Open division sa event na sinuportahan nina PNP chess club adviser PSUPT Jonas Escarcha at PSUPT Peter Limbauan ng PNP Special Service. Nakalaan naman ang top purse P3,000 ang magkakampeon sa kiddies division.
Ipapatupad ang Seven Rounds Swiss System , 20 minutes plus five seconds time delay mode, rapid time control format.
Nagbigay din ng kumpirmasyon ang paglahok nina Fide Masters Nelson “Elo” Mariano III at Nelson Villanueva, National Masters Ali Branzuela, Rolando Andador at Romeo Alcodia.
Dagdag din ang atraksiyon ang paglahok nina Philippine Executive Champion Atty. Cliburn Anthony A. Orbe at chess kid wizard Srihaan Poddar.
Tumawag o mag-text sa mobile numbers: (0939-9015625), (0915-0511451), (0998-9962014) at (0908-5635536) para sa dagdag detalye.