SAN SALVADOR — Niyanig ng mga lindol ang katimugan ng El Salvador nitong Lunes, na ikinawasak ng halos 200 kabahayan at nagbunsod ng maliliit na landslides, ngunit walang seryosong nasugatan o nasawi.

Sinabi ng U.S. Geological Survey na siyam na lindol na may magnitude 4.3 o mas malakas pa ang tumama sa rehiyon simula umaga, kabilang ang tatlo na may magnitude 5.2 hanggang 5.6.

Sinabi ni civil defense director Jorge Melendez sa news conference na 11 kabahayan ang nawasak at 180 iba pa ang nasira.

Karaniwan ang seismic activity sa Central America, kung saan nagtatagpo ang tectonic plates. Ngunit ayon kay USGS geophysicist Don Blakeman hindi pangkaraniwan ang lakas ng mga bagong pagyanig.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina