WALA sa original cast ng The One That Got Away si Renz Fernandez at baka nga guest lang ang karakter niyang si Gab.

Pero dahil pumatok sa viewers ang role niya as closet gay, na nag-out din, na-extend ang stint niya sa sexy rom-com series.

Sa itinakbo ng istorya, baka hanggang sa ending ay kasama pa rin ang karakter niya.

Kung hindi kami nagkakamali, first time gumanap bilang beki ni Renz na mahusay niyang nagagampanan. Maganda sanang malaman kung sino ang peg niya sa kanyang Gab role at kung ano ang reaction ng mom niyang si Lorna Tolentino.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ang landi-landi ni Renz lalo na ‘pag nagpapa-cute at nagpi-flirt kay Liam (Dennis Trillo). Humingi siya ng tips kay Dennis kung paano gumanap na beki dahil ilang beses na rin itong gumanap bilang bading.

Ang kuwento ni Dennis, ang tip niya kay Renz ay huwag maging OA para mas natural ang acting niya na obviously, sinusunod nito kaya mahusay ang pagganap niya bilang si Gab. (Nitz Miralles)