Ni MARIVIC AWITAN

HINDI sa National Team bagkus sa Visayas selection lalaro sina June Mar Fajardo, Terrence Romeo, at Kiefer Ravena sa paglarga ng three-stage PBA All-Star game sa Mayo 27 sa Iloilo City.

Pangungunahan ng tatlo, pambato ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup qualifier, ang Visayas team na pangangasiwaan ni coach Chito Victolero.

Makakasama nila sina Barangay Ginebra big man Greg Slaughter at Rain or Shine star James Yap.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nasa Visayas din sina JR Quinahan, Jeff Chan, Chris Ross, Joe Devance, Eman Monfort, Jericho Cruz, at veteran Asi Taulava.

Iginiit ni National coach Chot Reyes na kulang sa ‘size at might’ ang Gilas, ngunit pipilitin niyang makasabay laban sa Twin Tower nina Fajardo at Slaugther.

Kasa sa RP Team ni Reyes sina Japeth Aguilar, Troy Rosario, Mac Belo, at Carl Bryan Cruz sa torneo na suportado ng Peak Sports Apparel, Rain or Shine at PBA RUSH-Cignal.

Sabak din ang backcourt na sina Jayson Castro, Gabe Norwood, at Jio Jalalon, Calvin Abueva, Matthew Wright, at Allein Maliksi.

Magsisimula ang All-Star sa Mayo 23 sa Digos, Davao del Sur kung saan magtutuos ang Gilas at Mindanao selection ni coach Tim Cone.

Magtutuos naman ang Nationals at Luzon ni coach Leo Austria sa Batangas City sa Mayo 25.