Ni Edwin Rollon

PANGUNGUNAHAN ni basketball legend at Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon “El Presidente” Fernandez ang pagbubukas ng  Marajaw Basketball League (MBL) ngayon sa Surigao del Norte provincial gymnasium sa Surigao City.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Matugas II

Matugas II

Ayon kay Surigao del Norte 1stDistrict Rep. Francisco Jose Matugas II, ang Marajaw Basketball League ay bahagi ng provincial sports tourism and sports ‘kontra droga ’ programs, at kaakibat sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang opinagbabawal na gamot at mailayo ang mga kabataan sa masamang bisyo.

Iginiit din ni Matugas na ang presensiya ni Fernandez, kinikilala bilang isa sa pinakamahusay at pinakapopular na basketball player sa bansa, ay makatutulong para maiparating sa mga kabataan ang kahalagahan na ituon ang atensyon sa sports na makatutulong sa kanilang maayos na pamumuhay.

 “In motivating their skills development, our youth will have something to look forward to when they focus themselves to play the game they love. MBL is just the start,” pahayag ng mambabatas mula sa Siargao, Surigao.

Nasa pangangasiwa rin ng Marajaw Sports Program, ayon kay Matugas, ang iba’t ibang aktibidad sa sports ng football at ang binuhay na Children’s Game –isang multi-event tournament para sa kabataan na may edad 12 pababa.

Kabuuang 15 koponan ang sasabak sa torneo kabilang ang Surigao City, the municipalities of San Francisco, Sison, Taganaan, Placer, Gigauit , Bacuag, Claver, Tubod, Mainit, Alegria, at mga isla ng Siargao na  Tuna Republic, Marlins, Socorro (Bucas Grande) at Wave Riders.

Bukod sa basketball, isinagawa sa Surigao kamakailan ang dalawang international sporting events – ang  Siargao International Surfing Competition at Siargao Game Fishing fete.