Ni NORA CALDERON

NGAYON lang namin nakitang nanood concert ng foreign singer sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sino nga ba naman ang makaka-resist sa two-night na Bruno Mars 24K Magic Wolrd Tour sa Mall of Asia? Ang daming nanood na mga artista at iba pang celebrities. Sa unang gabi, nag-post ng Instagram story ang mag-sweetheart na sina Barbie Forteza at Jak Roberto. Nanood din at tuwang-tuwa si Jackie Forster na kasama ang anak na si Kobe Paras.

DINGDONG AT MARIAN copy

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa second night, nanood ang mag-asawang Dingdong at Marian at parehong nag-post ng kanilang IG stories. Post ni Marian: “E, ‘yung ang saya-saya ko literal” with emoji na nakatawa. May picture din siya ni Dingdong na tuwang-tuwa.

Post naman ni Dingdong na may picture ni Marian na sumasayaw (sayang lang at madilim pero kitang-kitang napapatalon pa ang asawa), ng “Someone’s very happy!”

Post naman ni Jerald Napoles na ni-like ni Marian: “It is all worth the hype and the expensive ticket!!! @brunomars you’e one of the gods in the Olympus of performing. It is such an honor as a fellow artist/performer to see your excellence! Napakahusay mo!”

Napilitan naman si Sharon Cuneta na umalis after four songs dahil may sakit ang bunsong babae niyang si Yellie at ang bunsong lalaking si Gugie at naiingayan daw, pero iniwan niya ang panganay nila ni Sen. Kiko Pangilinan na si Kakie with friends and yayas para patuloy na mag-enjoy kay Bruno Mars.

Love ng mga Pinoy si Bruno Mars na half-Filipino, half-American. Based sa mga post sa social media, very successful ang show at tila walang naupo sa mga nanood, lahat ay nakatayo at sumasayaw at walang tigil ang pagkuha ng videos sa kani-kanilang cellphone.