Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

PBA Sched May 4 copy

(Araneta Coliseum)

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

4:30 n.h. -- Alaska vs Columbian Dyip

7:00 n.h. -- Meralco vs NLEX

MAKAPAGTALA ng back-to-back win ang tatangkain kapwa ng Alaska at Columbian Dyip sa kanilang pagtutuos ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Commissioner ‘s Cup sa Araneta Coliseum.

Magkakasubukan ang dalawang koponan sa unang salpukan ganap na 4:30 ng hapon na susundan ng bakbakan ng Meralco at NLEX sa huling laro ganap na 7:00 ng gabi.

Galing sa panalo sa kanilang ikalawang laro ang Aces(1-1) kontra Blackwater, 93-74, matapos mabigo sa una nilang laban sa Rain or Shine habang nakabalik naman sa win column ang Columbian Dyip (2-1) sa ikatlo nilang laro kontra NLEX, 123-103, kasunod ng pagkabigo sa ikalawa nilang laro kontra Meralco.

Muling inaasahang magpapasiklab para sa Alaska si import Antonio Campbell, habang muli namang mangunguna para sa Columbian Dyip para magpatuloy sa kanilang magandang panimula ngayong conference si import CJ Aiken.

Sa tampok na laban, magtatangkang bumangon sa natamong kabiguan sa kamay ng kasalukuyang lider Rain or Shine sa ikalawa nilang laban ang tatangkain ng Bolts habang magkukumahog namang makaahon sa kinasadlakang dalawang dikit na pagkatalo pinakahuli sa kamay ng Elasto Painters ang NLEX Road Warriors para makaahon sa ilalim ng standings.

Hinihintay ang pagdating ng kanilang original choice na si dating NBA cager Andrei Moultrie, inaasahan ng Road Warriors ang kasalukuyang pansamantalang import na si Andrei Forbes na ayon kay coach Yeng Guiao ay nakukulangan siya sa kakayahan pagdating sa outside shooting.

Ngunit, tiyak na matinding hamon ang haharapin ng Road Warriors lalo pa’t tiyak ding hindi papayag ang Bolts na matalo ng dalawang sunod sa pamumuno ni reigning Best Import Arinze Onuaku.