Ni Marivic Awitan

SA unang pagkakataon, naiwan ng 14-puntos sa huling bahagi ng third period sa kabuuan ng finals series, para sa isang bagitong koponan na binubuo ng mga collegiate players, maaaring sumuko na lamang ang Zark’s Burger- Lyceum of the Philippines.

 NATIKMAN ni coach Topex Robinson ang masayang pagdiriwang sa kampeonato na naipagkait sa kanya sa NCAA nang tanghaling kampeon ang Lyceum laban sa Che Lubar nitong Martes. (RIO DELUVIO)


NATIKMAN ni coach Topex Robinson ang masayang pagdiriwang sa kampeonato na naipagkait sa kanya sa NCAA nang tanghaling kampeon ang Lyceum laban sa Che Lubar nitong Martes. (RIO DELUVIO)

Ngunit, iba ang ipinamalas na karakter ng Pirates batay sa kulturang itinanim ni head coach Topex Robinson, nang makihamok ng todo para maagaw ang momentum at maitala ang come-from-behind win, 92-82, ang angkinin ang PBA D-League Aspirants Cup title.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Pinangunahan ni Conference MVP CJ Perez ang ratsada ng Lyceum para selyuhan ang panalo sa ‘sudden death’ Game 3 nitong Martes sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

“All we were thinking was that whatever happened in this game, we won’t die tomorrow. So we just gave our best effort and everything we got,” pahayag ni Robinson.

Nagsalansan ang Jawbreakers ng 21-4 run sa simula ng fourth quarter para tuluyang maagaw ang kontrol ng laban makaraang agawin ang kalamangan, 85-74, may 4:06 pang natitirang oras sa laban mula sa 44-58 na pagkakaiwan sa third quarter.

Dahil din sa tagumpay, umukitt ang Jawbreakers ng kanilang pitak sa aklat ng kasaysayan ng PBA D League bilang lowest-seeded team na nagkampeon.

“Siguro yung pagiging underdog namin ang naging motivation namin. Mula sa ilalim talagang pinagtrabahuhan namin para umabot ng finals at mag champion. Kasama na yung tiwala namin sa isa’t-isa,” pahayag ni Perez na tumapos na may 26 puntos, anim na rebounds at walong steals.

“Siyempre nagpapasalamat din kami kay Lord dahil sa ibinibigay niyang blessings,” aniya.

Tinutukoy nito ang nakaraang NCAA Season 93 finals kung saan tumapos silang runner-up sa San Beda, ang 2018 Philippine C o l l e g i a t e C h a m p i o n s League title, at ang katatapos na unang conference ng PBA D-League.

L a h a t n g magagandang pangyayari na naganap sa kanila sa katatapos nilang D League stint ay inaasahang m a d a d a l a a t makakatulong sa kanila para kampanya s a NCAA Season 94.