PSI at PSL, nagkaisa; National tryouts, ilalarga

Ni ANNIE ABAD

TAPOS na ang mahabang panahong sigalot sa swimming community matapos magkaisa ang Philippine Swimming Inc. (PSI), sa pamumuno ni Olympian Ral Rosario at Philippine Swimming League (PSL) president Susan Papa.

 NAGKAMAYAN sina Olympian Ral Rosario, pangulo ng Philippine Swimming Inc, at Susan Papa, pangulo ng Philippine Swimming League (PSL), matapos pormal na ipahayag ang pagkakaisa sa swimming community at pagkakaroon ng matibay na programa para sa kaunlaran ng mga atleta at ng swimming sa kabuuan sa ginanap na media conference kahapon sa Behrouz Persian Cuisine sa Quezon City. Kasama sa pagpupulong sina Olympian at dating PSC Commissioner Akiko Thompson (kaliwa) at PSL secretary general Dr. Susan Benasa


NAGKAMAYAN sina Olympian Ral Rosario, pangulo ng Philippine Swimming Inc, at Susan Papa, pangulo ng Philippine Swimming League (PSL), matapos pormal na ipahayag ang pagkakaisa sa swimming community at pagkakaroon ng matibay na programa para sa kaunlaran ng mga atleta at ng swimming sa kabuuan sa ginanap na media conference kahapon sa Behrouz Persian Cuisine sa Quezon City. Kasama sa pagpupulong sina Olympian at dating PSC Commissioner Akiko Thompson (kaliwa) at PSL secretary general Dr. Susan Benasa

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa isinagawang media conference kahapon, ipinahayag ng dalawang lider sa swimming ang pagkakaisa para sa iisang layunin – ang mapaunlad ang sports at maprotektahan ang mga atleta sa anumang uri ng pamumulikita.

“Hopefully this will bring the broken community together. When the Board met in Bacolod I said we need to bring the community together, to unify and work together, there’s lot of things to be done. We’re united and decided to work together. The issue in the PSL has been a long standing issue and I think it’s the right time to bring it to an end. It’s time to bring a new call of unity and yes we do it for the benefit of the swimmers,” pahayag ni Rosario.

“As much as many people want to get us together towards common goal and now is the time to bring it to an end. It’s for the betterment of swimming. I believe there some who are not happy with this but we welcome them to sit and talked with them,” aniya.

“Sabi ko nga, kung yung mali ay susundan natin ng mali, walang magyayari. Kailangan tapusin na natin itong problema and we’re happy to announce that both group are open in mending a broken family,” said Rosario.

Sinabi naman ni Papa na nakikiisa sila sa PSI hindi dahil sa pagnanais na maging national sports association, bagkus dahil sa tiwala sa liderato ni Rosario na aniya’y nahalal na pangulo sa PSI sa tama at legal na proseso.

“Alam naman natin na ina-appoint lang ni Mark Joseph si Lani Velasco while in hiding. Ms. Velasco is not even a member of the Board kaya sa simula pa ang ilegal na yung pagiging pagulo niya sa PSI. Now, the the POC refused to recognize her (Velasco), it’s right to call for the unity,” pahayag ni Papa, patungkol sa naging kaganapan sa PSI nang bigyan ng basbas ng dating POC leadership ang appointment ni Velasco.

Sa bagong liderato ni POC president Ricky Vargas, ibinasura ang pagkakahalal ni Velasco at inilagay ang swimming sa pangangasiwa ng Philippine Olympic Committte (POC) Arbitrary Committee na pinamumunuan ni Robert Aventejado.

Ayon kay dating PSC Commissioner at PSI treasurer Akiko Thompson, ginagawa nila ang lahat para maiparating sa International Federation (FINA) ang kaganapan ng swimming sa bansa sa hangaring tuluyang maisaayos ang katayuan ng grupo.

Sakabila ng hindi pagkilala ng POC sa naganap na halalan sa PSI na pinamumunuan ni Velasco, nakakuha ito ng recognition sa FINA sa tulong na rin ng dating administrasyon ng dating POC chief Peping Cojuangco.

“The process is now in Federation level,” pahayag ni Thompson.

Sinabi ni Rosario na nakikipag-ugnayan na sila sa POC at tumatalima sa pinagdadaanang proseso sa Arbitration Committee at umaasang mas mabibigyan ng proteksyon ang mga swimmers sa naselyuhang pagkakaisa ng dalawang grupo.

“As much as many people want to get us together towards common goal and now is the time to bring it to an end. It’s for the betterment of swimming. I believe there some who are not happy with this but we welcome them to sit and talked with them,” aniya.

Binigyan diin din ni Rosario ang pangangailagan sa open tryouts para sa selection ng National Team na isasabak sa international tournament gayundin ang pagpapatibay sa programa para sa seniors at grassroots development.

“We’re here to protect the swimmers. Sayang yung talento ng mga bata and besides we can attract sponsors pag nakita nilang maayos ang takbo ng asosasyon,” ayon kay Rosario.

“This opening the selection process which has been the only problem that the Philippine Swimming League has. We have no intention of being a National Sports Association, what’s so ever, ang we’re consistent with that, na wala kaming intensyon na maging NSA. But of course I leave it up to Ral Rosario,” pahayag naman ni Papa.