NEW YORK (AFP) – Sinabi ng dating New York doctor ni Donald Trump nitong Martes na bumisita sa kanyang opisina sa Park Avenue noong nakaraang taon ang bodybuard ng pangulo at kinumpiska ang medical records nito.

Ayon kay Harold Bornstein, nangyari ang ‘’raid’’ noong Pebrero 3, 2017, dalawang araw matapos nailathala sa The New York Times na sinabi ng doktor na niresetahan niya ng hair grower si Trump.

‘’They must have been here for 25 or 30 minutes. It created a lot of chaos,’’ lahad ni Bornstein sa NBC.

Pinangalanan niya ang longtime personal bodyguard ni Trump na si Keith Schiller, White House operations director hanggang noong Setyembre 2017; Alan Garten, abogado ng real-estate firm ng Trump Organization; at pangatlong lalaki na hindi niya kilala.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sinabi ni Bornstein na kinuha ng mga ito ang original at tanging kopya ng charts ni Trump, kabilang ang lab reports na nakapangalan sa president at iba’t ibang alyas nito.

Ngunit sinabi ng White House spokeswoman Sarah Sanders sa mga mamamahayag ‘’standard procedure’’ ito at hindi raid ang nangyari.