Ni Leandro Alborote

SAN MANUEL, Tarlac - Limang pasahero ng pampasaherong bus ang napaulat na nasugatan makaraang makabanggaan ang kasalubong nitong closed van sa Barangay Legaspi sa San Manuel, Tarlac, kahapon ng madaling araw.

Pawang lulan sa Kia Grand Bird passenger bus ang mga nasugatan at isinugod sa Del Carmen Hospital sa Rosales, Pangasina na sina Nora Mating, 46; Celia Vinluan, 40; Veronica Lumague, 41; Ruth Lopez, 66; at Aldrich Caneso, 22 anyos.

Dakong 3:50 ng umaga nang nakabanggaan ng bus, na minamaneho ni Rogelio Pulac, 36, ng Bgy. Apugan, Santo Tomas, Baguio City, ang Isuzu closed van na minamaneho ni Romnick Aobel, 29, ng Tarlac City.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog